Ayon kay Marcos marami na siyang natanggap na mga reklamo mula sa mga magulang at estudyante ng mga kilalang unibersidad sa Metro Manila hinggil sa mga matrikula na sa kanilang palagay ay hindi naman mapapakinabangan dahil sa pandemiya.
Naniniwala ang senador na dapat mas mababa ang matrikula dahil sa ‘home schooling’ ang mangyayari at online class ang isasagawa dahil bawal pang pumasok sa mga eskuwelahan.
“The inclusion of many miscellaneous fees for school facilities and services that would no longer be used is unnecessary and unconscionable,” giit ni Marcos.
Aniya kabilang sa isinama pa rin sa matrikula ang bayad sa classroom-based internet, kuryente, paggamit sa laboratories, libraries, at medical and dental clinics.
“A Senate investigation is in order, if the Commission on Higher Education cannot settle this controversy before classes resume in late August,” aniya at inihain na niya ang Senate Resolution 480 para sa gagawin pagdinig ng Senado.
Ang mga unibersidad ay nasa University Belt, ayon sa inilabas na pahayag ng senadora.
“Schools should not be playing blind and profiting on what they would no longer provide. Parents and students should definitely be paying less,” sabi pa nito.