Masa, vulnerable sectors dapat prayoridad sa COVID-19 vaccine – Sen. Go

Nanawagan si Senator Christopher Go sa mga kinauukulang ahensiya na maghanda na ng national COVID-19 vaccine program sakaling magkaroon na ng bakuna kontra sa nakakamatay na sakit.

Ayon kay Go sa programa ay dapat gawin ‘accessible and affordable’ ang bakuna at gawin prayoridad ang mga mahihirap at ang mga nasa vulnerable sectors.

Paliwanag pa nito kailangan ay maghanda na at ikunsidera ang lahat ng senaryo para mauna sa bakuna ang talagang nangangailangan nito.

“Huwag sana pabayaan ang mga mahihirap. Paghandaan na natin ngayon pa lang. Magtabi na tayo ng budget para masigurong kakayanin ng gobyerno at sa plano dapat ang lahat ay pantay-pantay at hindi lang ang mga may kaya ang makakakuha ng bakuna,” hirit pa ni Go.

Una nang ibinahagi ng senador na pinaghahandaan at pinag-uusapan na ng mga health officials at finance managers ang mga gagawin kapag nagkaroon na ng bakuna laban sa COVID 19.

Read more...