Bilang ng mga Filipino sa abroad na nagpositibo sa COVID-19 umakyat na sa 9,472 ayon sa DFA

Mayroong 65 pang bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang July 31, umakyat na sa 9,472 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 71 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 3,275 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

5,531 naman ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Samantala, 666 na ang pumanaw na Filipino abroad dahil sa COVID-19.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 6,745 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 1,111 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 911 naman ang kaso sa Asia Pacific Region at 705 sa Americas.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tutukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

 

 

Read more...