Mahigit 1,700 pang umuwing Pinoy nag-negatibo sa COVID-19

Ngayong araw, July 31 mayroong mahigit 1,700 pa na umuwing Pinoy ang nag-negatibo sa COVID-19.

Base sa inilabas na datos ng Sub-Task Group for the Repatriation of OFWs, mayroong 1,770 na umuwing OFWs at non-OFWs ang nag-negatibo sa isinagawang RT-PCR tests.

Karagdagan ito sa mahigit 54,073 na returning overseas Filipinos na nag-negatibo sa COVID-19 simula noong June 12 hanggang July 7.

Maaring makita ang listahan ng mga dagdag na nag-negatibong Pinoy sa link na https://bit.ly/3jWGCCo

Ang master list naman ng mga nag-negatibong umuwing Pinoy mula July 8 hanggang July 30 ay maaring ma-access sa link na https://bit.ly/309ZvJV

Ang mga nasa listahan ay maari nang makipag-ugnayan sa PCG o OWWA personnel sa kanilang quarantine facility para maiproseso ang kanilang pag-uwi sa mga lalawigan.

 

 

Read more...