21 bagong frontline health workers ng Coast Guard nanumpa sa pwesto

May dagdag na 21 bagong frontline health workers sa hanay ng Philippine Coast Guard.

Nanumpa sa pwesto ang 21 bagong frontline health workers na kinabibilangan ng 19 na medical technologists, 1 psychometrician, at 1 physician.

Pinangunahan ni Department of Transportation Secretary Arthur Tugade ang pagpapanumpa kasama sina PCG Commandant, Admiral George Ursabia Jr, at Rear Admiral Joseph Coyme ang commander ng Coast Guard Human Resource Management Command.

Malaking tulong ito ayon sa DOTr dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga tauhan ng PCG na tinatamaan ng COVID-19.

Sa kaniyang mensahe, pinuri ni Tugade ang passion at commitment ng mga tauhan ng PCG sa patuloy na paglaban sa COVID-19.

“I’m here today to show my respect to the Philippine Coast Guard with whom I am very proud to be identified with. And decided to wear this t-shirt to show that I am with the PCG, not only in heart and spirit, but in t-shirt,” ayon kay Tugade.

Read more...