Sa ulat ng Inquirer Visayas, base sa datos ng Department of Health, pitong bayan sa rehiyon ang nakapagtala ng unang mga kaso nila ng COVID-19.
Sa bayan ng Mapanas, Northern Samar isang 9-month old na sanggol ang tinamaan ng sakit at dinala sa isolation facility kasama ang kaniyang magulang.
Simula noong July 20 ay nakaranas na ng ubo ang sanggol nang dumating sila sa Mapanas galing sa Quezon City.
Nakapagtala na din ng unang kaso ng COVID-19 ang mga bayan ng Silvino Lubos sa Northern Samar; San Jose de Buan, Almagro, Daram, at Pagsanghan sa Samar; at Tunga sa Leyte.
Karamihan sa bagong kaso sa rehiyon ay pawang mga umuwing locally stranded individuals.
MOST READ
LATEST STORIES