Navotas Fish Port Complex sarado sa publiko ngayong weekend

Isasara muna ang buong Navotas Fish Port Complex ngayong weekend para sumailalim sa disinfection.

Sa abiso ng Philippine Fisheries Development Authority (PFDA) kasamang isasara ang Market Halls ng Fish Port.

Ang pagsasara ay simula ala 1:00 ng hapon ng Sabado (August 1) hanggang sa ala 1:00 ng hapon ng Linggo (August 2).

Nakasaad sa pahayag ng PFDA na bahagi ito ng safety preventive measures sa Navotas Fish Port Complex upang makasigurong ligtas at maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

 

 

 

Read more...