Quarantine status sa Cebu City ibinaba na sa GCQ

Ibinaba na sa general community quarantine (GCQ) ang umiiral na quarantine measure sa Cebu City.

Kasunod ito ng rekomendasyon ni Environment Sec. Rooy Cimatu na mula sa enhanced community quarantine (ECQ) ay ibaba sa GCQ ang umiiral na quarantine measure sa Cebu City.

Bumaba na kasi ang positivity rate sa Cebu City matapos ang paghihigpit doon habang umiiral ang ECQ.

Ang Cebu City ay mayroong 8,966 na kaso ng COVID-19 hanggang kahapon, July 30.

Sa nasabing bilang, 5,159 ang naka-recover na at 3,268 naman ang aktibong kaso.

 

 

 

Read more...