BREAKING: Metro Manila, ilan pang lalawigan mananatili sa GCQ

Mananatili sa general community quarantine ang umiiral na quarantine status sa Metro Manila.

Sinabi ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang public address.

Maliban sa Metro Manila, sinabi ng pangulo na GCQ din ang iiral sa mga lalawigan ng Bulacan, Batangas, Cavite, Laguna, Rizal, Cebu City, Lapu-Lapu City, Mandaue City, at Zamboanga City.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, magpapatuloy pa rin ang pagpapatupad ng localized lockdown sa mga barangay na mayroong mataas na kaso ng COVID-19.

Magsasagawa din ang gobyerno ng massive targeted testing.

Una nang nagkasundo ang mayorya ng mga alkalde sa Metro Manila na manatili ang pag-iral ng GCQ sa Metro Manila dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng sakit.

Samantala, ang nalalabi pang bahagi ng bansa ay sasailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ).

 

 

Read more...