Bakuna kontra COVID-19 libre para sa mahihirap at ‘middle income’ ayon kay Pang. Duterte

Ibibigay ng libre para sa mga pinakamahihirap na Filipino ang bakuna laban sa COVID-19.

Ito ay sa sandaling maging available na ang bakuna panlaban sa nasabing sakit.

Ayon kay Pangulong Duterte, popondohan ng pamahalaan ang pagbili ng bakuna at unang bibigyan ng libreng bakuna ang mga tumatanggap ng assistance mula sa gobyerno dahil mayroon nang listahan nito ang pamahalaan.

Sunod aniyang prayoridad sa bakuna ang nasa ‘middle income’.

Gagawin ding agad na available sa mga ospital ang bakuna.

Sinabi ng pangulo na ang mga mayayaman ay hindi na dapat umasa ng libreng bakuna sa gobyerno.

Dagdag pa ng pangulo hindi rin bibigyan ng bakuna ang mga adik sa droga dahil wala siyang pakialam sa mga ito.

 

 

 

 

Read more...