Water level ng Angat dam nadagdagan sa magdamag
Nadagdagan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas magdamag.
Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 182.40 meters alas-6:00 umaga ng Biyernes (July 31) mas mataas ito sa antas nito kahapon na 180.97 meters.
Nabawasan naman ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 100.55 meters ngayong umaga mas mababa sa antas nito kahapon na 101.07 habang bahagyang nadagdagan ang antas ng tubig ng La Mesa dam sa 78.77 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 78.49 meters.
Samantala, nadagdagan din ang water level ng Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya dams.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.