Jose Abad Santos, Davao Occidental niyanig ng magnitude 3.3 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 48 kilometers southeast ng bayan ng Jose Abad Santos, alas-5:58 madaling araw ng Biyernes (July 31).

May lalim na 119 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

 

 

 

Read more...