Ilang lalawigan sa Central at Southern Luzon makararanas ng pag-ulan

Uulanin dahil sa Habagat ang ilang lalawigan sa Central at Southern Luzon.

Ayon sa abiso ng PAGASA, mahina hanggang katamtaman na pag-ula ang mararanasan sa Cavite at Batangas.

Ganitong lagay na rin ng panahon ang nararanasan sa Bataan, Tarlac, at Zambales.

Pinapayuhan ng PAGASA ang mga residente sa mababang lugar na maging maingat sa posibleng flash flood.

Maari ding magdulot ng pagguho ng lupa ang mararanasang malakas na buhos ng ulan sa mga bulubunduking lugar.

 

 

Read more...