Kaso ng COVID-19 sa Central Visayas mahigit 16,000 na

Umabot na sa halos 16,000 ang kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.

Ayon sa datos ng DOH Central Visayas for Health Development, nakapagtala ng 221 na dagdag na kaso kahapon kaya umabot na sa 16,149 ang total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon.

Sa nasabing bilang, 6,695 ang aktibong kaso habang umabot naman na sa 8,560 ang total recoveries.

Sa magdamag ay nakapagtala ng 507 na dagdag sa bilang ng mga gumaling.

Umabot naman na sa 824 ang bilang ng mga nasawi sa Central Visayas dahil sa COVID-19.

Sa Cebu City umabot na sa 8,966 ang total confirmed cases.

Narito naman ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa iba pang mga lugar sa rehiyon:

Mandaue City – 1,927
Lapu-Lapu City – 1,815
Cebu – 1,711
* Talisay City – 760
* Minglanilla – 392
* Consolacion – 389
Negros Oriental – 103
Bohol – 86
Siquijor – 0

Sa Cebu City umabot na sa 8,966 ang total confirmed cases.

 

Read more...