Ayon sa Department of Transportation (DOTr), Augusst 2001 nang unang isumite ang MRT-7 Unsolicited Proposal sa noon ay DOTC pa.
August 2008 nang mangyari ang MRT-7 Concession Agreement Signing.
Pero inabot ng 20 taon bago naumpisahan ang aktwal na konstruksyon.
Ayon sa DOTr, 58.95 percent nang kumpleto ang 22-km rail line.
Target na matapos ang proyekto sa 2022.
Sa sandaling matapos na, inaasahan na ang biyahe mula North Avenue sa Quezon City hanggang sa San Jose Del Monte, Bulacan ay aabutin na lang ng 35-minuto mula sa kasalukuyang 2 hanggang 3 oras.
MOST READ
LATEST STORIES