Pangulong Duterte may public address ngayong umaga

Ngayong umaga ng Biyernes (July 31) ieere ang mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko.

Ayon ito kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Ayon pa kay Roque, nakipagpulong muna si Pangulong Duterte sa economic cluster para mapag-usapan ang ang panukalang 2021 national budget.

Ngayong araw ay mapapaso na ang umiiral na community quarantine sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Dahil dito inaasahang kabilang sa iaanunsyo ng pangulo ang mga pagbabago sa quarantine status sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.

 

 

Read more...