Buong bansa apektado ng Habagat

Nakalabas na ng bansa ang Low Pressure Area na binabantayan ng PAGASA pero pinalakas nito ang Habagat na magpapaulan sa bansa ngayong araw.

Sa weather forecast ng PAGASA, ngayong araw, ang Zambales, Bataan, Palawan at Mindoro Provinces ay makararanas ng monsoon rains ngayong araw.

Habagat din ang maghahatid ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sa Metro Manila, Visayas, Zamboanga Peninsula, SOCCSKSARGEN, Davao Region, at nalalabing bahagi ng Luzon.

Sa nalalabi pang bahagi ng Mindanao bahagyang maulap na papawirin lamang ang iiral.

Nakataas naman ang gale warning sa Northern at western seaboard ng Luzon kaya bawal ang paglalayag ng maliliit na sasakyang pandagat.

Wala ng inaasahang sama ng panahon na mabubuo o papasok sa bansa sa susunod na tatlong araw.

 

 

 

Read more...