COVID-19 cases sa Muntinlupa City, umabot na sa 1,390

Nasa 1,390 na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City.

Batay sa datos ng Muntinlupa City government hanggang 6:30, Huwebes ng gabi (July 30), sa nasabing bilang ay 692 ang aktibong kaso.

868 naman ang ikinokonsidera bilang probable case at 678 ang suspected cases.

Samantala, 625 residente na sa lungsod ang gumaling sa COVID-19 pandemic habang 73 naman ang nasawi.

Read more...