Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 6,452 ang bilang ng mga kumpirmado kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 8:00, Huwebes ng umaga (July 30).
Sa nasabing bilang, 6,357 ang DOH confirmed cases na may kumpletong address.
6,331 namang kaso ang na-validate na ng QCESU at district health offices.
Samantala, nasa 2,521 naman ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.
3,513 naman ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 297 ang nasawi.
Batay pa sa datos, nasa 4,623 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.
MOST READ
LATEST STORIES