Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang July 30, sumampa na sa kabuuang 65,064 ang total recoveries sa nakakahawang sakit sa bansa.
Katumbas ito ng 73 porsyento ng kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso sa bansa.
Sinabi ng DOH na nadagdagan ng mahigit 3,954 ang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa bansa kung saan 1,320 ang “fresh cases” habang 2,634 ang “late cases.”
Dahil dito, nasa 89,374 na ang confirmed COVID-19 cases sa Pilipinas.
Sa nasabing bilang, 22,327 ang aktibong kaso.
Nakuha ang mga datos mula sa 80 out of 91 licensed laboratories.
Nasa 23 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 1,983 ang COVID-19 related deaths sa bansa.