25 pang pulis, tinamaan ng COVID-19

Nadagdagan pa ng 25 ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Huwebes ng gabi (July 30), 2,109 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

837 pulis ang itinuturing na probable cases habang 2,505 ang suspected cases.

14 namang pulis ang gumaling kung kaya umabot na sa 771 ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Nasa 11 naman ang pulis na pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.

Read more...