Halos 4,000 COVID-19 related complaints, idinulog sa PACC

Sinabi ni Presidential Anti-Corruption Commissioner Greco Belgica na halos 4,000 reklamo na may kaugnayan sa COVID-19 ang kanilang natanggap.

Ayon kay Belgica, marami sa mga reklamo ay ukol sa katiwalian at ang mga ito ay ipinadala na nila sa mga kinauukulang ahensiya para aksiyonan.

Apela lang nito sa mga nagsasamantalang opisyal o kawani ng gobyerno na tamaan naman sila ng hiya dahil sa kanilang ginagawa sa gitna ng pandemiya.

Kaugnay naman sa sinabing bagong iskandalo sa paggamit ng pondo ng PhilHealth, sinabi ni Belgica na kailangang isapubliko ng ahensiya ang napagastusan ng kanilang pondo dahil karapatan ng mga mamamayan kung paano ginamit ang kanilang pera.

Ukol naman kung kailangan pang manatili sa puwesto si PhilHealth President Ricardo Morales dahil sa mga reklamo ng katiwalian sa ahensiya, ayon kay Belgica, ang isyung ito ay tanging si Pangulong Rodrigo Duterte lang ang makakasagot.

“The President knows best. However, as per Senator Bong Go, the President will not hesitate to ax anyone should investigations prove one’s involvement in corruption in Philhealth,” aniya.

Read more...