Mataas na opisyal ng NBI, COVID-19 positive

Isa na naman mataas na opisyal ng National Bureau of Investigation o NBI ang nagtataglay ng COVID 19.

Ito ang ibinahagi ni Justice Secretary Menardo Guevarra at aniya, nalaman ang sakit ng mataas na opisyal, na hindi na niya kinilala, nang lumalabas ang resulta ng swab test nito.

Sabi pa ng kalihim, asymptomatic ang opisyal at naka-self quarantine sa bahay.

Noong Abril, isang mataas na opisyal din ng ahensiya ang tinamaan ng nakakamatay na sakit at ito ay magaling na.

Ayon kay Guevarra, nag-lockdown na ang NBI Manila Office ay nagsasagawa ng contact tracing at may ilan na naka-quarantine na.

Mula noong Hulyo 22 hanggang 26 ay naka-lockdown ang tanggapan at nagsagawa ng disinfection.

Read more...