Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON, pumalo na sa 6,641

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Huwebes (July 30, 3:00 PM) nakapagtala ng 379 na bagong kaso kaya pumalo na sa 6,641 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 1,222
Laguna – 2,486
Batangas – 941
Rizal – 1,649
Quezon – 343

Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 3,776.

Nasa 2,566 na ang bilang ng mga naka-recover kung saan nakapagtala ng 73 na bagong recovery.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 333
Laguna – 978
Batangas – 410
Rizal – 646
Quezon – 199

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 8 kaya umabot na sa 291 ang bilang.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 54
Laguna – 73
Batangas – 45
Rizal – 112
Quezon – 15

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay

Read more...