Ika-76 Malasakit Center, binuksan sa Nueva Ecija

Bukas na sa publiko ang pangalawang Malasakit Center sa Nueva Ecija at ito ay sa Dr. Paulino J. Garcia Memorial and Research Medical Center sa Cabanatuan City.

Ayon kay Sen. Christopher Go, ito ang ika-76 Malasakit Center sa Luzon at aniya, kailangan na kailangan ito dahil nasa gitna ng pakikipaglaban sa krisis pangkalusugan ang bansa.

“Patuloy po ang serbisyo ng Malasakit Centers para mabigyan ng mabilis, maayos at maaasahang serbisyong medikal ang mga Pilipino kahit saan mang parte ng bansa. Lalo na sa panahon ng pandemiya, hindi dapat maantala ang pagbubukas ng dagdag na Malasakit Centers kaya sa zoom na lang muna tayo ngayon,” sabi ng senador, na sinaksihan ang okasyon sa pamamagitan ng live video streaming.

Paliwanag nito, ang mga nangangailangan ng medical and financial assistance para sa kanilang bayarin sa ospital ay pupunta lang sa Malasakit Center para sila ay matulungan ng mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno.

Sa isinulong ni Go na Republic Act 11463 o ang Malasakit Centers Act of 2019, ang lahat ng mga ospital na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Health o DOH sa buong bansa ay kailangan may Malasakit Center.

Read more...