Umutang imbes na magtipid, magtakda ng bagong buwis – Drilon

Sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na may tatlong pagpipilian ang gobyerno para may pondo sa patuloy na paglaban sa COVID-19 crisis.

Aniya, maaaring umutang ang gobyerno, magtipid sa gastusin o magtakda ng mga panibagong buwis.

Sinabi nito na kung magkakaroon ng mga panibagong buwis, dagdag kalbaryo pa ito sa mamamayan at kung magtitipid naman ay maapektuhan din ang mamamayan at ang ekonomiya.

Kayat aniya ang dapat gawin ng gobyerno ay umutang na lang.

“We are in a crisis. Borrowing is not a crime as long as we spend the money for the people – to feed the 5.2 million Filipino households who are hungry, provide jobs to 5 million Filipinos and give assistance to distressed businesses,” katuwiran pa ng opposition senator.

Ngunit sabi pa nito, kailangan lang ay malinaw ang mga pagkakagastusan at hanggang huling sentimo ay dapat gastusin sa pagtugon sa pandemiya.

“We need more funds to buy more personal protective equipment (PPE), laboratory equipment and medical supplies, increase our COVID-19 bed capacities and provide additional benefits to our healthcare frontliners,” diin nito.

Read more...