Ayon kay FDA Director Gen. Eric Domingo, mayroon na silang inilaang fast lane para sa mas mabilis na proseso sakaling may magparehistro na ng bakuna sa COVID-19.
Kasabay nito, muli namang nilinaw ni Domingo na wala pang bakuna sa COVID-19.
Lahat aniya ng mga tinutuklas na bakuna para sa COVID-19 ay nasa proseso pa ng clinical trial.
Sa ngayon, mahigit 200 na ang candidate vaccine na pinag-aaralan ng mga eksperto mula sa iba’t ibang bansa.
Mahigit 140 rito nasa early clinical trial o sinusubukan sa hayop habang 25 naman ang sinusubukan na sa tao.
Sa mga ito, lima na aniya ang nasa phase 3 ng clinical trial.
Tatlo rito ang mula sa China, isa sa London at 1 sa Estados Unidos.
Kasabay nito, umapela si Domingo sa publiko na i-report sa FDA sakaling mayroong makitang nagbebenta ng bakuna para sa COVID-19 dahil tiyak na peke aniya ito.