Ayon kay Vincent Eugenio, ang social media officer ng Karapatan Ang Tahanan group, wala pang libreng testing na ginagawa sa mga mahihirap.
Patuloy aniyang ibinibida ng Department of Health (DOH) na nasa 74,000 na ang testing capacity kada araw pero ang totoo ay nasa 250,000 test lang naman ang nagagawa kada araw.
Binabanatan din ng grupo ang kakulangan ng temporary treatment and monitoring facilities, local isolation and general treatment areas, kakulangan ng health workers at iba pa.
Dapat aniyang unahin sa COVID-19 test ang mga mahihirap dahil sila ang walang kakayan na magbayad para magpasuri.
Tinatayang nasa halos P8,000 ang pagpapa-swab test sa COVID-19.