Batay sa anunsiyo, sinabi ng Ministry of Health sa Singapore na nakapagtala ng karagdagang 278 na kaso hanggang 12:00, Huwebes ng tanghali (July 30).
Karamihan anila sa mga bagong kaso ay Work Permit holders na nakatira sa foreign worker dormitories.
“Based on our investigations so far, there are four case in the community, of whom one is a Singaporeans/Permanent Residents and three are Work Pass holders,” ayon pa sa Ministry of Health ng naturang bansa.
Maliban dito, mayroon ding apat pang imported case na inilagay sa Stay-Home Notice o isolation pagkadating sa Singapore.
Sa ngayon, inaayos pa anila ang karagdagan pang detalye sa mga bagong kaso.
Sa kabuuan, pumalo na sa 51,809 ang confirmed COVID-19 cases sa Singapore.