Principal sa Cebu, suspendido dahil sa panunulak ng mag-aaral

School-opening-2-e1456488072527Suspendido ng isang buwan ang isang principal sa Carcar City, Cebu makaraang itulak ang isang Grade 6 na estudyante dahil lang sa na-late sa isang school activity noong 2014.

Nahatulan ng Office of the Ombudsman-Visayas na guilty sa simple misconduct ang principal ng Carcar Elementary School na si Mary Jane Powao.

Inatasan na ng Ombudsman ang regional director ng Department of Education (DepEd) sa Central Visayas para ipataw ang parusa laban kay Powao.

Sa kaniyang counter-affidavit, itinanggi ni Powao na sinaktan niya ang batang lalaking estudyante, pero inamin niya na itinulak niya ito at isa pang mag-aaral para tumabi.

Ayon sa Ombudsman, sapat na ang pag-amin niya na tinulak niya ang mga estudyante para mapanagot si Powao dahil sa simple misconduct.

Sa desisyon ni prosecution officer Mona Chica Cabanes-Gillimac, malinaw na gumamit ng corporal punishment si Powao sa nasabing insidente.

Lumabas ang desisyon noon pang Nov. 2, 2015, pero naaprubahan lang ito ng Deputy Ombudsman for Visayas Paul Elmer nitong February 4.

Read more...