Yellow rainfall warning nakataas sa Occidental Mindoro, Palawan

Naglabas ng heavy rainfall warning ang PAGASA sa Occidental Mindoro at Palawan.

Sa abiso bandang 2:00 ng hapon, ito ay dulot ng umiiral na low pressure area (LPA) at Southwest Monsoon.

Ibig-sabihin, maaaring makaranas ng pagbaha sa ilang mabababang lugar sa nasabing probinsya.

Maaari ring magkaroon ng pagguho ng lupa sa mga mabubundok na lugar.

Kaya naman payo ng PAGASA, tutukan ang pinakahuling update sa lagay ng panahon.

Read more...