Zamboanga del Norte niyanig ng malakas na lindol

Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang lalawigan ng Zamboanga del Norte.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 62 kilometers northwest ng bayan ng Liloy, ala-1:17 hapon ng Huwebes (July 30).

May lalim na 56 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala pa namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...