Global death toll sa COVID-19 mahigit 670,000 na

Sumampa na sa mahigit 670,000 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa huling datos, ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa iba’t ibang panig ng mundo ay 670,152 na.

Nakapagtala ng mahigit 7,000 pang dagdag na nasawi sa magdamag.

Pinakamaraming naitalang nasawi pa rin sa US na umabot na sa 153,840.

Sumampa naman na sa mahigit 90,000 ang bilang ng mga nasawi sa Brazil.

Narito bilang ng mga nasawi sa iba pang mga bansa:

Brazil – 90,188
UK – 45,961
Mexico – 44,876
Italy – 35,129
India – 34,224
France – 30,238
Spain – 28,441
Peru – 18,816
Iran – 16,343

Sumampa naman na sa mahigit 10.6 million na ang bilang ng mga naka-recover na sa sakit.

Habang nasa mahigit 5.8 million pa ang aktibong kaso.

 

 

Read more...