Tugon ito ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. sa pahayag ni Malaysian Foreign Minister Hishammuddin Hussein na isu-summon nito ang ambassador ng Pilipinas sa Malaysia na si Ambassador Charles Jose.
Sinabi ni Hussein na ipatatag si Jose sa Foreign Ministry Office ng Malaysia sa Lunes, para pagpaliwanagin.
Ito ay dahil sa tweet ni Locsin na nagsasabing ang Sabah ay hindi pag-aari ng Malaysia.
Pero hindi nagpasindak si Locsin at sinabing ang kaniyang tweet ay “factual” at “historical”.
Sinabi rin ni Locsin na walang anumang bansa ang maaring magdikta ng kung ano ang pwede at hindi niya pwedeng sabihin tungkol sa kung sino ang totoong may karapatan sa pagmamay-ari ng Sabah.
Dahil sa banta ni Hussein ay sinabi ni Locsin na ipatatawag niya rin ang Malaysian Ambassador.
Sinabi ni Locsin na patuloy na iginigiit ng Pilipinas ang karapatan ng bansa sa West Philippine Sea at ganito rin ang kaniyang paggigiit sa Sabah.