Kaso ng COVID-19 sa buong mundo sumampa na sa 17 milyon

Umakyat na sa mahigit 17 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Sa pinakahuling datos, 17,184,770 na ang global cases ng COVID-19.

Ito ay makaraang makapagtala ng nasa 200,000 na bagong kaso sa magdamag.

Nananatiling ang Estados Unidos ang may pinakamaraming bilang ng kaso na sumampa na 4,498,343.

Nasa 69,000 ang nadagdag na bagong kaso sa US sa magdamag.

Ang Brazil ay nakapagtala ng nasa 70,000 dagdag na kaso habang ang India ay mahigit 52,000 ang bagong kaso sa magdamag.

Narito ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa iba pang mga bansa:

Brazil – 2,555,518
India – 1,584,384
Russia – 828,990
South Africa – 471,123
Mexico – 408,449
Peru – 400,683
Chile – 351,575
Spain – 329,721
UK – 301,455

 

 

 

 

Read more...