Dating Comelec Chairman Benjamin Abalos naka-recover na sa COVID-19

Gumaling na sa COVID-19 si dating Commission on Elections (Comelec) Chairman Benjamin Abalos.

Sa Facebook post ng anak niyang si dating Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos, sinabi nitong nakalabas na rin ng pagamutan ang kaniyang ama.

Nananatili naman sa ospital ang nakababatang Abalos para mabantayan ang lagay ng kaniyang ina na nagpapagaling pa rin sa COVID-19.

Ayon kay Benhur, nakapag-develop na ng COVID antibodies ang kaniyang ina at maaring tanggalan na ng ventilator simula bukas (July 31).

Si Benhur Abalos ang nagbantay sa kaniyang ama at ina na kapwa tinamaan ng COVID-19.

Dahil dito, maging siya ay nagpositibo na sa sakit.

Pinasalamatan ni Benhur ang mga doktor, nurse at hospital staff na nag-alaga sa kaniyang magulang at sa mga kaibigan at kaanak na nag-alay ng dasal.

 

 

Read more...