Weekend suspension sa operasyon ng MRT-3 binago

Binago ng pamunuan ng MRT-3 ang schedule ng weekend suspension na ipinatutupad nito sa kanilang mga tren.

Ayon sa abiso ng MRT-3, ang weekend suspension ay ginawa nang October 10-11, October 31, November 1-2 at November 14-15.

Ito ay mula sa dating schedule na August 8-9, August 21-23, at September 12-13.

Sinabi ng MRT-3 na ang pagbabago ay batay sa rekomendasyon ng maintenance provider na Sumitomo-MHI-TESP.

Ginagawa ang weekend suspension para maipagpatuloy ang rail replacement works sa buong linya ng MRT-3.

 

 

Read more...