Batay sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), hanggang araw ng Miyerkules, July 29 ay umabot na sa P46.5 bilyon ang halaga ng na-disburse na pondo para sa 2nd tranche ng SAP.
Ang nasabing halaga ay naipamahagi sa 6,951,049 na pamilyang benepisyaryo.
Una nang sinabi ni DSWD Sec. Rolando Bautista na batay sa mga aral na natutunan sa unang pamamahagi ng SAP ay inayos ng ahensya ang sistema.
Kabilang sa pagbabago ay ang pagkakaroon na ng digital payment sa pamamahagi ng SAP.
READ NEXT
Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin, counterpart nito na si Malaysian Foreign Minister Hishammuddin Hussein tuloy ang sagutan sa Twitter
MOST READ
LATEST STORIES