48 LSIs sa Rizal Memorial Sports Complex nagpositibo sa rapid test

Umabot na sa 48 na locally stranded individuals sa Rizal Memorial Sports Complex ang nagpositibo sa rapid test sa COVID-19.

Ito ang kinumpirma ni Presidential Management Staff Assistant Secretary Joseph Encabo ang lead convenor ng Hatid Tulong program ng pamahalaan.

Ang mga nagpositibo ay agad dinala sa isolation facility at isasailalim sila sa swab test.

Isinasailalim sa rapid test ang mga LSI bago sila payagang umuwi sa kanilang mga lalawigan.

 

 

 

Read more...