Antas ng tubig ng Angat dam muling nabawasan sa magdamag

Nabawasan pa ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 180.97 meters alas-6:00 umaga ng Huwebes (July 30) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 181.44 meters.

Nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 101.07 meters ngayong umaga mataas sa antas nito kahapon na 99.21 habang ang antas ng tubig ng La Mesa dam ay bahagya ring nadagdagan na nasa 78.49 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 78.26 meters.

Samantala, nabawasan naman ang water level ng Ambuklao at Binga dams habang nadagdagan ang tubig ng San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya dams.

 

 

Read more...