Ambassador ng Pilipinas sa Malaysia pagpapaliwanagin dahil sa post ni Foreign Affairs Sec. Locsin tungkol sa Sabah

Ipatatawag sa Foreign Ministry Office sa Malaysia ang ambassador ng Pilipinas doon.

Sa kaniyang Tweet, sinabi ni Malaysian Foreign Minister Hishammuddin Hussein na maituturing na iresponsable ang pahayag ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. na ang Sabah ay hindi pag-aari ng Malaysia.

Sinabi ni Hussein na dahil sa nasabing post ni Locsin, ipatatawag para pagpaliwanagin ang ambassador ng Pilipinas.

Ayon kay Hussein, ang naturang pahayag ni Locsin ay makaaapekto sa bilateral ties ng Malaysia at Pilipinas.

Iginiit ni Hussein na ang Sabah ay dati na at mananatiling bahagi ng Malaysia.

 

 

 

Read more...