Ilang barangay sa Marilao, Bulacan binaha dahil sa magdamag na pag-ulan

Nakaranas ng pagbaha sa ilang mga barangay sa Marilao, Bulacan bunsod ng naranasang magdamag na pag-ulan.

Sa Facebook post ng Marilao Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ilang lansangan ang binaha simula pa kaninang madaling araw.

Kabilang sa binaha ang M. Villarica Road mula sa Brgy. Tabing-ilog hanggang sa Brgy. Patubig.

Gayundin ang ilang lansangan sa Brgy. Poblacion 1 at Poblacion 2.

Alas 6:00 ng umaga sinabi ng MDRRMO na pababa naman na ang antas ng tubig sa Marilao River kaya inaasahang huhupa na rin ang pagbaha.

 

 

Read more...