Yellow warning nakataas sa Pampanga at Bataan

Nagtaas ng heavy rainfall warning ang PAGASA sa lalawigan ng Bataan at Pampanga.

Sa inilabas na rainfall warning ng PAGASA alas 5:00 ngayong umaga ng Huwebes (July 30) yellow warning na ang umiiral sa dalawang lalawigan dahil sa nararanasang malakas na buhos ng ulan.

Ang pag-ulan ay dulot ng Low Pressure Area at Habagat.

Pinapayuhan ang mga residenteng nasa mabababang lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha.

Maari ding magdulot ng landslides ang malakas na ulan sa mga bulubunduking lugar.

 

 

Read more...