Ang binabantayang LPA ng PAGASA ay huling namataan sa layong 50 kilometers West ng Iba, Zambales.
Habang ang Habagat ay nakaaapekto na sa Southern Luzon, buong Visayas at Mindanao.
Sa weather forecast ng PAGASA ngayong araw, makarararanas ng pag-ulan sa Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON at MIMAROPA dahil sa LPA at Habagat.
Maulap na papawirin din na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang mararanasan sa Western Visayas, Zamboanga Peninsula, SOCCKSARGEN, Davao Region at nalalabi pang bahagi ng Luzon.
Bahagyang maulap na papawirin naman na mayroong isolated na pag-ulan ang mararanasan sa nalalabi pang bahagi ng bansa.