Magkakatabing commercial establishment sa Novaliches, QC nasunog

Nasunog ang magkakatabing establisyimento sa bahagi ng Susano Road Brgy. Novaliches Proper Quezon City.

Itinaas sa 2nd alarm ang sunog na nagsimula pasado alas 3:00 ng madaling araw.

Kabilang sa tinupok ng apoy ay mga tindahan ng damit, gamit sa eskwelahan, cellphone, at appliances.

Alas 6:25 ng umaga nang ideklarang under control na ang sunog.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng apoy.

 

 

 

Read more...