Kiblawan, Davao del Sur niyanig ng magnitude 3.2 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang lalawigan ng Davao del Sur.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 10 kilometers southeast ng bayan ng Kiblawan, alas-12:34 madaling araw ng Huwebes (July 30).

Naitala ang sumusunod na instrumental intensities:
Intensity II – Tupi, South Cotabato
Intensity I – Malungon, Sarangani

May lalim na 9 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian at aftershocks.

 

 

 

 

Read more...