Bicol, nadagdagan pa ng 21 COVID-19 cases

Nakapagtala ng 21 pang kaso ng COVID-19 sa Bicol region, ayon sa Department of Health Center for Health Development – Bicol.

Sinabi ng DOH CHD-Bicol na nakasailalim na ang bagong pasyente sa home quarantine o quarantine facility.

Dahil dito, umabot na sa 422 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Bicol region.

Sa nasabing bilang, 250 ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.

227 ang nakasailalim sa quarantine at 23 ang naka-admit.

Wala namang panibagong gumaling kaya 162 pa rin ang mga naka-recover habang 10 ang nasawi.

Read more...