Ayon kay Valenzuela City government, aprubado na ang Ordinance No. 745 series of 2020 o “Batang Ligtas sa COVID-19 Ordinance.”
Responsibilidad ng mga magulang na pagbawalan ang kanilang mga anak na lumabas ng bahay.
Papayagan lamang ang mga edad 17 pababa kung:
– mayroong emergency
– nagkaroon ng hindi inaasahang pangyayari tulad ng lindol, sunog, pagkaka-ospital at iba pa
– tanging ang menor de edad lamang ang maaasahang lumabas dahil may kasamang magulang o guardian na 60-anyos pataas na, may immunodeficiency o iba pang sakit, buntis o person with disability (PWD)
Sinumang lumabag, bibigyan ng warning mula una hanggang pangatlong paglabag.
Sa pang-apat na paglabag, pagmumultahin ng P3,000 ang magulang o guardian.
P5,000 naman ang multa sa mga magulang o guardian sa mga susunod pang panglabag.