Pasay LGU handa na sa pag-aaral ng 60,000 public school students sa lungsod

Isang buwan bago ang pagsisimula muli ng mga klase, inanunsiyo ng pamahalaang-lungsod ng Pasay na naihanda na nila ang lahat para sa pagpapatuloy ng pag-aaral ng halos 60,000 estudyante sa mga pampublikong paaralan sa lungsod.

Ngunit ayon kay Mayor Emi Calixto-Rubiano, mas makakapaghanda pa sila kung mauurong ang pagsisimula ng klase na itinakda sa Agosto 24.

Ibinahagi nito na agad nilang simulan ang pagsasanay sa kanilang mga guro at ang paglalaan ng kinakailangang pondo.

Gayundin aniya, nag-imprenta na sila ng learning modules na lingguhan nilang ibibigay sa mga magulang ng bawat estudyante.

Handa ang lungsod na maglaan ng P120 milyon para sa School Year 2020 – 2021.

Nabatid na sa 60,000 target students, mula Kinder hanggang Senior High School, 45,000 pa lang ang nagpa-enroll ngunit umaasa ang LGU na madadagdagan pa ang enrollees sa mga darating na araw.

Read more...