Diin ni FDA Dir. Gen. Rolando Domingo, wala pang naaprubahang bakuna para sa nakakamatay na sakit kayat pagtitiyak ng opisyal, peke ang lahat ng mga bakuna na inaalok panlaban sa COVID-19.
Binanggit nito na may mga anti COVID-19 vaccines na inaalok sa social media kayat hiling niya sa mga may makikita na agad itong ipagbigay-alam sa FDA.
“Kung meron po kayong makita sa Facebook, sa social media, o kahit na anong text–ipaalam niyo po agad sa FDA,” aniya.
Ngunit, ibinahagi ng opisyal na may mga bakuna nang pinag-aaralan at kailangang tiyakin na ligtas ang mga ito at epektibo.
Sinegundahan naman ito ni Health Undersecretray Rosario Vergeire, “ wala pa talagang bakuna. So, kung may nag-aalok sa inyo, huwag nyong tatanggapin at baka meron masamang epekto iyan sa inyong kalusugan.”